Batas Bisikleta
A Cyclist's Quick Response Guide to Road Incidents⚠ Reminders ⚠ Paalala
Try to remain calm at all times. Speak clearly, civily but assertively.
Panatilihing maging kalmado. Pakatandaan na magin klaro sa iyong pananalita at mariing igiit ang tama.
Have your camera ready to document your rides and experiences on the road.
Gumamit ng camera sa pagdodokumento ng iyong mga byahe sa bisikleta at pagre-record ng karanasan sa kalsada.
After a Road Incident
Matapos ang Insidente
sa Kalsada
Check yourself for injuries before checking your bike for damage.
Tingan at suriin ang sarili kung may mga natamong pinsala o injury bago suriin ang iyong bisikleta.
Start documenting the scene through photos and videos.
Magsimulang idokumento ang pinangyarihan ng aksidente gamit ang mga litrato at video
Look for a traffic enforcer or policeman to report the incident.
maghanap ng traffic enforcer o pulis upang mai-report ang insidente.
Do not feel obligated to remove yourself or the bike to ease traffic unless required for immediate safety.
Huwag aalis sa kasalukuyang pinaglalagyan maliban kung kailangan at para sa kaligtasan ng sarili.
Insist on getting a police report of the incident. Give truthful narrations and/or written statements to the investigating officer.
Piliting makakuha ng police report. Magbigay ng makatotohanang salaysay kasabay ng nakasulat na pahayag sa investigating officer kung ito man ay hingiin.
General Tips
If a motor vehicle was violating a traffic rule at the time of the incident, they are presumed negligent until proven otherwise.
Kung may motoristang lumalabag sa batas trapiko sa mismong oras ng insidente, sila ay ituturing na pabaya (at sa gayon responsable o sanhi ng insidente) hangga't sila ay mapatunayan na hindi nagkasala
Police officers are trained to encourage settlement between parties, but do not feel obliged to settle. You have a right to file a claim for the damages against a motorist for any injuries and/or damaged property.
Tinuturuan ang kapulisan na hikayating magkaroon ng kasunduan ang lahat ng sangkot sa insidente, ngunit hindi ka obligadong makipagkasundo. May karapatan kang magsampa ng reklamo at humingi ng danyos.
If authorities are dismissive or uncooperative, get their names, rank and assignment for possible administrative action.
Kung ang mga opisyal ay walang pakundangan, walang galang o di kaya ay ayaw tumulong, kunin ang kanilang mga pangalan, ranggo, at kung saan sila nakadestino (assignment) para sila ay pwedeng masampahan ng kasong administratibo.
Documentation Tips Mga Tips sa Pagdokumento
Get the other party's contact information. Take pictures of their driver's license and/or thier plate number/conduction sticker.
Kunin ang numero at iba pang contact information ng iba pang sangkot sa insidente. Subukang kuhaan ng litrato ang lisensya at plate number/conduction sticker ng kanilang sasakyan.
Take videos and photos of private persons and police and law enforcement involved in the incident.
Maaring kumuha ng mga video at mga litrato ng mga pulis, enforcers at maging mga pribadong tao na may kinalaman sa insidente at sa isinasagawang imbestigasyon.
Get the attention of witnesses who saw the incident. Ask if they're willing to be contacted later on to give their statement of the incident.
Subukang pukawin o kuhain ang atensyon ng mga taong nakasaksi sa insidente. Magtanong kung maari silang kontakin o tawagan kung kakailanganin ng kanilang salaysay.
Ask for CCTV footage from MMDA Traffic Engineering Center, LGU, or private establishements in the vicinity that may have cameras in the area.
Kunin ang CCTV footage mula sa MMDA Traffic Engineering Center, LGU, o mga pribadong establisyimento sa paligid.
Requesting CCTV Footage Paghingi ng CCTV Footage
The Data Privacy Act gives you the right to request footage of:
Ayon sa Data Privacy Act, mayroon kang karapatang humingi ng footage ng mga sumusunod:
-
Yourself, as your personal information; and
Iyong sarili, bilang iyong personal na impormasyon; at
-
Other people that will assist you in establishing your claim (i.e., face of the offender, their vehicle)
Iba pang mga tao na maaring makatulong sa iyo para pagtibayin ang iyong salaysay at pahayag (hal. mukha ng nakaaksidente at detalye ng kanilang sasakyan, at mga saksi na iyong kokontakin o tatawagan)
State that your request is to assist you in filing a complaint and include the following:
Sabihin na ang iyong hinihinging footage ay makakatulong sa pagsampa ng reklamo. Ilathala kalakip ng iyong request ay ang:
-
Proof of your identity;
Patunay ng iyong pagkakakilanlan;
-
Date of incident;
Petsa ng insidente
-
Approximated time of the incident; and
Tantsang oras ng insidente
-
Location
Lugar ng insidente
Request CCTV footage as soon as possible. Establishments are allowed to set their own retention periods in their respective CCTV policies.
Agarang hingin ang CCTV footage. May hangganan lamang ang itinatabing recordings ng mga establisyimento.
From submission of your request to view and/or receive a copy of the footage, you are entitled to:
Mula sa pagtanggap ng iyong request na makahingi ng CCTV footage, ikaw ay dapat pahintulutan na:
-
View your CCTV footage within five(5) working days from the submission of your request; and
Makita ang CCTV footage sa loob ng limang(5) araw mula sa pagkakatanggap ng iyong request; at
-
Receive a copy of the CCTV footage within fifteen(15) working days.
Makakuha ng kopya ng CCTV footage sa loob ng labinlimang(15) araw mula sa pagkakatanggap ng iyong request.
If you requested a copy of footage, you may be asked to pay an administrative fee.
Maaari kang singilin ng adminstrative fee sakali mang ikaw ay humingi ng kopya ng footage.
You cannot be required to produce a court order prior to viewing or copying your CCTV footage.
Hindi kailangan ng court order o anumang dokumento mula sa korte o hukuman.
Offenses & Laws Violated
Mga Pagkakasala at
Nilabag na Batas
Consult a lawyer whether filing any of the following actions is appropriate for your situation:
Kumonsulta sa abogado para malaman kung angkop na maghain ng alinman sa mga sumusunod na kaso sa iyong sitwasyon
Using a mobile phone or any electronic device while operating a motor vehicle Pag-gamit ng selpon o anumang elektronikong kagamitan habang nagmamaneho
- LAW VIOLATED:
- Section 8, Anti-Distracted Driving Act
- TIME LIMIT TO FILE A CASE:
- One (1) year
- NILABAG NA BATAS:
- Section 8, Anti-Distracted Driving Act
- DEADLINE SA PAGSAMPA NG KASO:
- Isang (1) year
Cat calling, taunting, sexist remarks Cat calling, taunting, sexist remarks (Pambabastos na may kinalaman sa sekswalidad o kasarian)
- LAW VIOLATED:
- Sections 4, 7, and/or 11, Safe Spaces Act
- TIME LIMIT TO FILE A CASE:
- One (1) year
- NILABAG NA BATAS:
- Sections 4, 7, and/or 11, Safe Spaces Act
- DEADLINE SA PAGSAMPA NG KASO:
- Isang (1) taon
Lewd sexual actions (e.g., flashing) Lewd sexual actions (Mahalay na pagkilos tulad ng pagpapakita ng ari)
- LAW VIOLATED:
- Sections 4, 7, and/or 11, Safe Spaces Act
- TIME LIMIT TO FILE A CASE:
- One (1) year
- NILABAG NA BATAS:
- Sections 4, 7, and/or 11, Safe Spaces Act
- DEADLINE SA PAGSAMPA NG KASO:
- Isang (1) taon
Stalking, touching, and/or molesting Stalking at/o paghihipo
- LAW VIOLATED:
- Sections 4, 7, and/or 11, Safe Spaces Act
- TIME LIMIT TO FILE A CASE:
- One (1) year
- NILABAG NA BATAS:
- Sections 4, 7, and/or 11, Safe Spaces Act
- DEADLINE SA PAGSAMPA NG KASO:
- Isang (1) taon
Grave threats Grave threats (Malubhang pagbabanta)
- LAW VIOLATED:
- Article 282(2), Revised Penal Code ("RPC")
- TIME LIMIT TO FILE A CASE:
- Five (5) years
- NILABAG NA BATAS:
- Article 282(2), Revised Penal Code ("RPC")
- DEADLINE SA PAGSAMPA NG KASO:
- Limang (5) taon
Reckless imprudence resulting in damage to property Reckless imprudence resulting in damage to property (Kapabayaang kriminal na sumanhi sa pagkasira o pinsala sa pag-aari)
- LAW VIOLATED:
- Article 365, RPC
- TIME LIMIT TO FILE A CASE:
- At least two (2) months, depending on the value of the damaged property
- NILABAG NA BATAS:
- Article 365, RPC
- DEADLINE SA PAGSAMPA NG KASO:
- Hindi bababa sa dalawang (2) buwan, batay sa halaga ng napinsalang pag-aari
Malicious mischief Malicious mischief (Malisyosong kalokohan)
- LAW VIOLATED:
- Article 329, RPC
- TIME LIMIT TO FILE A CASE:
- At least two (2) months, depending on the value of the damaged property
- NILABAG NA BATAS:
- Article 329, RPC
- DEADLINE SA PAGSAMPA NG KASO:
- Hindi bababa sa dalawang (2) buwan, batay sa halaga ng napinsalang pag-aari
Reckless imprudence resulting in physical injuries/death Reckless imprudence resulting in physical injuries (Kapabayaang kriminal na sumanhi sa pagkagalos)
- LAW VIOLATED:
- Article 365, RPC
- TIME LIMIT TO FILE A CASE:
- At least two (2) months, depending on the severity of the injury
- Ten (10) years, if resulting in death
- NILABAG NA BATAS:
- Article 365, RPC
- DEADLINE SA PAGSAMPA NG KASO:
- Hindi bababa sa dalawang (2) buwan, depende sa kalubhaan ng galos o tama
- Sampung (10) taon, kung nagresulta sa kamatayan
Serious/less serious/slight physical injuries Serious/less serious/ slight physical injuries (malubha/ hindi malubha/ bahagyang pagkagalos)
- LAW VIOLATED:
- Articles 263, 265, or 266, RPC
- TIME LIMIT TO FILE A CASE:
- At least two (2) months, depending on the severity of the injury
- NILABAG NA BATAS:
- Articles 263, 265, or 266, RPC
- DEADLINE SA PAGSAMPA NG KASO:
- Hindi bababa sa dalawang (2) buwan, depende sa kalubhaan ng galos o tama
Murder, whether attemtped, frustrated, or consummated Murder (pagpatay), kung attempted, frustrated, o consummated
- LAW VIOLATED:
- Article 248(3), RPC
- TIME LIMIT TO FILE A CASE:
- Twenty (20) years
- NILABAG NA BATAS:
- Article 248(3), RPC
- DEADLINE SA PAGSAMPA NG KASO:
- Dalawampung (20) taon
Request a Blotter
& Police Report
Paghingi ng Blotter
o Police Report
POLICE/BARANGAY BLOTTER
Entry in a record book kept by a police station or barangay hall to document incidents reported in their locality.
Tool for creating an initial public record of your individual statements and observations. If parties settle, the settlement may also be recorded in the blotter.
Magparehistro sa talaan ng estasyon ng pulis o barangay hall upang madokumento ang mga insidenteng naiulat sa kanilang nasasakupan.
Ginagamit ang blotter para makagawa ng paunang pampublikong tala (public record) ng iyong mga pahayag at obserbasyon na may kinalaman sa insidente.
Kung may kasunduan ang mga partido sa insidente, maari rin itong maisama sa blotter.
POLICE REPORT
Official investigation report of a road incident conducted by a police investigator.
Initial fact-finding of the investigating officer regarding the cause and/or fault in an incident based on:
Ang police report ay ang opisyal na resulta ng pagsusuri ng imbestigador patungkol sa insidente sa kalsada.
Paunang pagsisiyasat ng tumpak na kaalaman o impormasyon (fact-finding) ukol sa sanhi at may sala sa insidente mula sa:
- oral and written statements of the responding officer(s),
- the parties to the incident;
- pictures, videos, and
- other evidence and relevant information.
- mga sinabi at sinulat na pahayag ng mga rumispondeng pulis,
- mga partido sa insidente,
- mga litrato, video, at /li>
- iba pang ebidensya at impormasyong may kaugnayan sa insidente.
Police reports are typically required in insurance claims.
Karaniwang hinihingi ang police report para makatanggap ng benepisyo sa seguro (insurance).